Friday, December 16th, 2005
minsan talaga ang hirap sundan ng buhay ng tao… may panahong masaya ka meron ding malungkot. pero sa bawat araw na lumilipas hindi man natin aminin naghahanap tayo ng taong kakalinga sa atin… magmamahal!
e bakit ba malalim na nman ang tinatakbo ng utak ko? ewan ko lang… dahil ba sa puyat ‘to? dalawang araw lang nmn akong walang tulog… parang di na ko nasanay! hehehe… wala lang ang gulo kc e… alam mo un?
may isang araw na nakakaramdam ako ng lungkot dahil siguro wala akong mapagbahagiaan ng saya at tagumpay ko… umm… oo nanjan ang magulang at kaibigan… pero tila ibang pagmamahal ang hanap minsan. pero totoo masaya ako na wala akong kasama sa buhay, na walang inspirasyon maliban sa pamilya at kaibigan at Diyos… alam ko sapat na sila dahil hindi ako mag-isa… pero dahil tao lang tayo… maghahanap at maghahanap ka parin!
Sa buong buhay ko dalawang tao palang ang minahal ko… kahit na tingin nila hindi ganon. Madalas nakakasawang isipin na pagkatapos ng relasyon na di nagtagumpay, may makikilala kang bago, masaya kayo sa umpisa pero pagtagal wala na…
Siguro sa tingin ng iba masarap ung date lang ng date, pero minsan pag puro ganon nalang nakakasawa din. Sa pag hahanap ng taong mamahalin nakakilala ako ng dalawang taong malaki ang kinalaman sa pagdadrama ko ngayon…
ang isa nakilala ko sa daanan… =) dumating na parang bagyo sa buhay ko… malakas at nakakapanira… pero sa kalagitnaan ng mata ng bagyong yon, sobrang naging masaya ako at naramdaman ang kakaibang ngiti sa labi.
ang sumunod naman e matagal ng nakakasalamuha sa opisina, palangiti at palakaibigan, isang taong pwede mong sabihin ang laht ng nasa isip mo at higit sa lahat mapapatawa ka… sa loob ko magkakasundo kami at alam kong magiging masaya pagnagkataon… pero sabi nga sa kanta, mabuti sna yon… "kung walang sabit"… ay wla palang sabit… may nakakapit lng na isang tagapagmana ng apelyido… =)
mahirap mgdesisyon… lalo na dahil inakala ko na sa pagdating ng isa sa kanila wala ng problema… nakakabigla… dahil dati kahit ako’y mag-isa tahimik lang ang buhay ko… ngaun… nko kita mo naman… malamang hindi mo babasahin ito sa haba.
nakakalungkot lang… kasi nakabuo ako ng desisyon… tapos isang sikreto ang mabubunyag. sa bagay wala nmang kaso yun eh… ano nman kung merong junior diba? =) isang bagay lang ang nglalaro sa isip ko, na sadyang nagbibigay agam agam, na bakaisang araw sa akin mangyari din ang nangyari na.
pero gusto ko siya e… sa tingin nio ba may patutunguhan pa?