Paano Ba Tumawid?
Monday, December 11th, 2006nag-iisip ako kung ako ba’y tatawid?
mabilis ang takbo ng mga sasakyan,
baka ako’y mahagip.
umurong… sumulong…
hangang sa paa ko’y muntik maiipit ng gulong.
mabilis akong tumakbo,
ngunit natangal ang sapatos ko.
sa gitna ng krus na daan
ako’y nakatawid.
ngayo’y pinagmamasdan ang sapatos
na dinadaandaanan ng sasakyan.
sa gitna ng krus na daan,
ang takong tumilapon,
ang balat ay nawasak,
nakatawid ako…
pero hindi ang sapatos ko.

