Paano Ba Tumawid?

sa gitna ng krus na daan,Street2

nag-iisip ako kung ako ba’y tatawid?

mabilis ang takbo ng mga sasakyan,

baka ako’y mahagip.

umurong… sumulong…

hangang sa paa ko’y muntik maiipit ng gulong.

mabilis akong tumakbo,

ngunit natangal ang sapatos ko.

sa gitna ng krus na daan

ako’y nakatawid.

ngayo’y pinagmamasdan ang sapatos

na dinadaandaanan ng sasakyan.

sa gitna ng krus na daan,

ang takong tumilapon,

ang balat ay nawasak,

nakatawid ako…

pero hindi ang sapatos ko.

Leave a Reply